Inatasan ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Martin Delgra ang mga regional directors ng ahensya na bantayan ang byahe ng mga pampublikong sasakyan.
Ito ay kasunod na rin ng inaasahang paghagupit ng bagyong Ompong sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon kay Delgra hanggat maari kada 2 oras binabantayan ang byahe ng mga pampublikong sasakyan.
Payo pa nito sa mga bus drivers na kapag nakaranas ng masungit na panahon o malakas na pag-ulan ay agad huminto sa bus stop o terminal.
Paliwanag pa ni Delgra hanggang sa Linggo sila magbabantay sa byahe ng mga pampublikong sasakyan o hanggang sa bumuti ang lagay ng panahon.
Facebook Comments