BANTAY BAGYO | Mahigit 4-M indibidwal maapektuhan sa pag-land fall ng bagyong Ompong

Aabot sa mahigit apat na milyong indibidwal ang lubhang maapektuhan ng pag-landfall ng bagyong Ompong sa apat na rehiyon sa bansa.

Ito ay ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Ang datos na ito ng NDRRMC ay mula sa rekord ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.


Tantya ng DSWD sa Region 1, 1.8 milyong indibidwal ang maapektuhan ng bagyong Ompong.

1.4 milyong indibidwal ang maapektuhan sa Region 2, sa CAR 1.6 indibidwal at sa National Capital Region (NCR) ay mahigit 220,000 na indibidwal.

Ang pagtaya na ito ng NDRRMC at DSWD ay hanggang September 15 alas -2:00 ng hapon.

Ayon kay Romina Marasigan ng NDRRMC, nagsagawa ng census ang DSWD at tinukoy ang mga residenteng nakatira sa mga delikadong lugar kapag masama ang panahon kaya nakuha ang datos na mahigit apat na milyong indibidwal ang maapektuhan ng bagyong Ompong kapag hindi nagbago ang lakas nito.

Facebook Comments