BANTAY BAGYO | Marikina river, nakataas na sa alert level 2!

207

Itinaas na sa alert level 2 ang Marikina River dahil sa pagtaas ng tubig dulot ng bagyong Ompong.

Sa ngayon ay umabot na sa 16 meters ang water level.

Bunsod nito, pinalilikas na ng Marikina Local Government ang mga residenteng malapit sa Marikina River.

Kagabi ay nabulabog din ang lungsod dahil sa naranasang buhawi na sumira sa ilang istraktura.

Facebook Comments