Handa na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa nakatakdang pananalasa ng bagyong Samuel.
Mula sa white alert status ay itinaas na ito sa blue alert status.
Puspusan na ang pagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng text alert system sa mga rehiyong tatamaan ng bagyo.
Partikular sa Western Visayas, Eastern Visayas, Davao Region at Caraga Region.
Isinuspinde na rin ang higit 90 siyudad at munisipalidad lalo na ang inaasahang ruta ng bagyo.
Tiniyak din ng NDRRMC na sapat ang pondo ng pamahalaan kung saan mayroong ₱2.1 million standby fund.
Facebook Comments