BANTAY BARANGAY: ONE STOP PUBLIC SERVICE CARAVAN, ISINAGAWA SA MANGALDAN

Inilapit na sa mga residente sa Barangay Poblacion ng Mangaldan ang iba’t-ibang serbisyo publiko sa pamamagitan ng programang Bantay Barangay.

Iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at mga pribadong orgnasisasyon ang nagbigay ng serbisyo sa mga residente tulad ng PhilHealth Konsulta and Health Promotion, libreng vaccination, at iba pang mga opisina ng LGU.

Nagsagawa rin ng blood donation drives sa pangunguna ng Municipal Health Office (MHO) at Philippine Red Cross (PRC) Pangasinan.

Mayroon din libreng konsultasyon at Violence Against Women and Children (VAWC) at help desk para mga nais dumulog o magtanong na nakararanas ng pang-aabuso,

Ayon sa alkalde ng bayan, tinatapos na umano nila ang scheduling para sa naturang programa upang maihatid sa lahat ng mga barangay ang benepisyo ng programa.

Layon ng programa na mailapit na sa mga residente ang mga serbisyo ng gobyerno upang maiwasan na rin ang pabalik-balik na biyahe at dagsa ng mga pumupunta sa Municipal Hall para magproseso ng dokumento. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments