Umabot na sa higit 13 milyong toneladang basura ang mayroon sa Pilipinas.
Batay sa datos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong 2010 na nakalap ng grupong EcoWaste Coalition, papalo na sa 13.48 million tons ng basura sa bansa.
Pagpatak sa 2020 ay posibleng umakyat ito sa 16.63 million tons.
Ayon sa EcoWaste Coalition – isa sa nangungunang dahilan ng pagdami ng basura ay ang kawalan ng disiplina ng mga tao.
Nabatid na nag-viral sa social media ang video ng mag-ina sa Caloocan kung saan itinatapon ang mga basura sa baha.
Bagaman at mayroon ng batas o Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act, mayroon pa ring mga lokal na pamahalaan ang hindi tumatalima rito.
Nakasaad sa batas ang reduce, re-use at recycle.
Facebook Comments