Quezon City – Isa sa apat ininspeksyon ng NFA outlet ay ang pag-aari ni Ramon Saner.
Ayon kay Saner, sapat naman ang suplay ng NFA rice sa kanilang outlet.
Ipinakita niya ang kababagsak na 50 bags na tatlong araw lamang ang itinatagal.
Aniya, dahil masyadong mahal ang commercial rice, mas dumami ngayon ang bumibili ng 27 at 32 pesos per kilo na NFA rice.
Nanatili pa rin sa 44 ang pinakamurang commercial rice habang 60 ang pinakamahal sa Mega Q Mart.
Ayon naman kay Undersecretary Castello, option na ng mamimili kung NFA o commercial rice ang kanilang bibilhin.
Binisita din ng DA at DTI ang mga tindahan para tingnan kung may nag-overpriced sa kanilang paninda.
Facebook Comments