Manila, Philippines – Bubuo na ng task force ang Department of Agriculture (DA) para mainspeksyon ang kalidad ng mga aangkating bigas sa ibang bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – hindi pa rin abot kaya ang 40 pesos pataas na presyuhan ng bigas.
Aniya, kaya bubuhusan muna ng murang bigas ang merkado.
Ibinasura na rin ang pag-aangkat ng fancy rice o 5% broken rice sa bansa na nabibili sa halagang 50 pesos pataas para bigyang daan ang mga inaangkat na commercial rice na mabibili sa halagang 38 pesos pero kilo.
Dagdag pa ng kalihim – ang mga local farmer na ang magsu-supply ng lahat ng 1st class na bigas sa Pilipinas.
Tiniyak din ng DA na mas magiging mahigpit na sila sa kalidad ng bigas na ipinapasok sa ating bansa.
Facebook Comments