Bantay Bigas, dismayado sa inaprubahang IRR ng rice tariffication law

Nadismaya ng Bantay Bigas group sa paglagda ng iba’t-ibang ahensya sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng rice tariffication law.

Sabi ni Cathy Estabillo, tagapagsalita ng grupo, magdudulot lamang ang naturang batas ng malawakang pagkalugi at kagutuman sa mga magsasaka.

Tiyak na mararamdaman aniya ang epekto nito sa buwan ng Setyembre matapos tanggalin ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) na i-regulate ang presyuhan ng bigas sa merkado.


Muli ring iginiit ni Estabillo na hindi sila naniniwala na bababa ang presyo ng bigas kung babaha ang imported na bigas gaya ng langis na isinailalim sa trade liberalization.

Kaya naman gumagawa na ng kaukulang hakbang ang grupo para kuwestiyunin at ipawalang bisa sa Korte Suprema ang nasabing batas na lalong magpapahirap sa mga magsasaka.

Facebook Comments