Manila, Philippines – Napatunayan ng Department of Trade and Industry (DTI) na may sapat na suplay ng commercial rice.
Kasabay nito ay pinawi ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez ang pangamba ng publiko ukol sa rice shortage sa bansa.
Kasunod ito ng isinagawa nilang inspeksyon kasama ang National Food Authority (NFA) at mga tauhan ng CIDG sa ilang rice warehouse sa Bocaue, Bulacan.
Nasa limang libong sako ng bigas ang nasa loob ng isang warehouse na handang ipamahagi sa mga retailer.
Dagdag pa ni Lopez, ang mataas na presyo ng bigas sa merkado ang dapat na tutukan na unti-unti naman nang natutugunan sa pagpasok ng harvest season.
Facebook Comments