BANTAY-BIGAS | Importasyon ng 203,000 MT ng bigas, muling hahanapan ng supplier

Manila, Philippines – Muling tatangkain sa araw na ito ng National Food Authority (NFA) na makahanap ng potensyal na supplier para sa para sa pag-aangkat ng 203,000 metric tons ng 25 percent broken at long grain white rice.

Ito ay bahagi pa rin ng 750,000 MT na bigas na pinupuntirya ng gobyerno na maangkat para sa taong 2018 sa pamamagitan ng government-to-government at private to government scheme.

Magugunita na bigo ang naunang binuksang bidding makaraang ipahayag ng Vietnam at Thailand na hindi sila makakatugon sa Term of Reference ng gagawing importasyon.


Umaasa si NFA Assistant Administrator for Marketing Operations Maria Mercedes Yacapin na pinag-aralan na ng NFA Council ang ilang aspeto ng Terms of Reference.

Partikular dito ang pagkakarga sa mga pantalan at ang schedule ng delivery.

Nauna rito naging isyu sa nakaraang ang nagkabukbok na bigas dulot ng natenggang bigas sa pantalan.

Facebook Comments