Ipinakita ng resulta ng sunod-sunod na bigong offer ng Vietnam at Thailand na mag-supply ng imported na bigas na hindi dapat ipasa ang revised tarrification bill na bersyon ng Senado.
Ito ang ibinabala ng alyansa ng industriya ng bigas, isang grupo ng mga rice traders sa bansa.
Ayon kay Roberto Hernandez, Pangulo ng Anib, ito ang mukha ng sobrang pala-asa sa importasyon ng bigas.
Ipinasilip ng sitwasyon na maari palang ipitin ng mga bansang rice supplier ang presyuhan ng pagkaing butil.
Bunsod nito, maiipit aniya ang gobyerno sa mataas na presyuhan sa mga rice importing countries at mga rice traders sa lokal na silang nakakakopo sa aning palay ng mga magsasaka.
Magreresulta aniya ito sa pagmahal ng mabibiling bigas sa merkado.
Paliwanag ni Hernandez na dapat na mailinaw sa tarrification bill na hindi babawasan ang lupaing matataniman ng palay para lumipat sa ibang crop.
Sa halip, dapat ay palakasin ang subsidy sa farming activities upang mapalakas ang sariling produksyon ng bigas sa loob ng bansa.
Mahalaga aniya na maihanda ang mga magsasaka para sa pakikipag kumpitensya sa ibang bansa na malusog ang agriculture capability.