Manila, Philippines – Mahigpit na mino-monitor ngayon ng mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) ang galaw ng presyo ng NFA rice upang malaman kung patuloy ang pagtaas nito.
Ayon kay Ms. Claire Coballes, DTI-FTEB Information Officer, nag-iikot sila sa mga palengke sa Tondo Maynila para malaman kung mayroong paggalaw ng presyo ng NFA rice.
Paliwanag ni Coballes mahalaga na ma-monitor nila ang mga presyo ng NFA rice dahil sa nararanasang krises ng bigas sa Zamboanga at ilan pang probinsiya sa bansa.
Anya naglalaro lang sa P27 hanggang P32 ang dapat na presyo ng NFA rice at kapag sumobra dito ay labas na ito sa itinadhana ng batas.
Umapela rin si Coballes sa publiko na makipagtulungan sa DTI at isumbong sa kanila kung mayroon silang nalalaman na nagsasamantala sa presyo ng NFA rice.