BANTAY BIGAS | Murang bigas mabibili sa mas maraming pamilihan

Mabibili na sa mas maraming outlet ang commercial well-milled rice.

Ito ay makaraang ilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ‘Presyong Risonable Dapat Program’ sa 83 Puregold branches sa Metro Manila.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez layon ng programa na dalhin ang dekalidad na klase ng bigas sa mga retail outlets sa mas murang halaga.


Mabibili ang well-milled rice sa halagang P34 kada kilo.

Maliban sa Puregold at Robinsons, target din ng DTI na ilunsad ang programa sa Metro Gaisano, SM at Rustans.

Inaasahan namang sa susunod na taon lahat ng 360 outlet ng Puregold sa bansa ay magtitinda na ng mura pero dekalidad na bigas.

Facebook Comments