Mabibili na sa ilang supermarket ang mga murang commercial rice at asukal alinsunod sa programa ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, sa ilalim ng “presyong risonable dapat program”, dapat hindi lalagpas sa P38 ang presyo ng kilo ng commercial rice at P50 ang presyo ng kilo ng asukal.
Kabilang sa programa ng DTI ang 88 branches ng Robinsons Supermarket kung saan nakabili ang consumer na si Myrna Antonio ng tig-P34 kada kilo na bigas.
Bukod sa bigas, ipinako rin ng Robinsons Supermarket sa P50 kada kilo ang presyo ng puting asukal o refined sugar na mas mura kumpara sa palengke na P60 kada kilo habang nasa P45 naman ang bentahan sa pamilihan ng brown sugar.
Samantala, sa Biyernes sisimulan na rin ng iba pang supermarket ang pagbebenta ng bigas at asukal alinsunod sa programa ng DTI.