BANTAY BIGAS | Murang commercial rice, mabibili na sa supermarkets

Manila, Philippines – Mabibili na sa mga supermarkets ang mga murang commercial rice.

Nagkakahalaga ang mga ito ng ₱34 hanggang ₱39 kada kilo.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, resulta ito ng inaprubahang administrative order ng National Food Authority (NFA) noong Oktubre na nagbigay pahintulot sa mga piling retailers na direktang makapag-angkat ng bigas.


Dagdag pa ng kalihim na dahil hindi na dumaan pa sa mga trader, mas mura nang mabibili ng mga konsumer ang mga bigas.

Facebook Comments