BANTAY-BIGAS | NFA at DA, mahigpit na binabantayan ang pagpapatupad ng SRP sa bigas

Bantay sarado ng National Food Authority (NFA) at ng Department of Agriculture (DA) ang mga presyo ng bigas matapos ipatupad ang SRP para dito.

Nag-iikot ang mga tauhan ng DTI, DA, pulis at NFA sa mga palengke para masigurong sumusunod ang mga rice retailers.

Ayon kay Department of Agriculture Secretary Manny Piñol, sa mga hindi susunod dito magbibigay muna sila ng written warning.


Pero kapag lumabag pa rin kanselasyon na ng permit at pagmumultahin na ang rice retailer.

Sa ngayon 37 pesos ang dapat na presyo para sa regular rice, 44 pesos sa well milled rice at 47 para sa special rice.

Naglagay din ng color coding para sa mga variety ng bigas:
Puting label sa regular at well milled rice
Dilaw sa premium grade
Asul sa special rice

Bukod sa nagtitinda binabantayan din ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang mga tauhan sa ibat-ibang lugar kung saan matatanggal sa pwesto kapag hindi nagagampanan ang kanilang tungkulin.

Maari naman magsumbong ang publiko sa hotline na 09064633133 kung may makitang hindi sumusunod sa tamang presyo ng bigas.

Ilagay lamang ang lokasyon ng tindahan pangalan ng nagtitinda para agad mapuntahan ng mga otoridad upang mapanagot.

Facebook Comments