BANTAY-BIGAS | Pagpapatupad ng SRP sa bigas sa mga supermarket, pinag-aaralan na rin

Manila, Philippines – Matapos ipatupad sa mga palengke, sunod na ring ipatutupad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Suggested Retail Price (SRP) sa bigas sa mga supermarket.

Ayong kay DTI Undersecretary Ruth Castelo – pinag-aaralan na rin nila ang posibleng pagpapatupad ng SRP sa bigas na itinitinda sa mga supermarket.

Sabado nang pormal na ipatupad ng DA at DTI ang SRP sa apat na klase na lang ng bigas sa mga palengke ang regular-milled na may SRP na P39; well-milled, P44; premium rice, P40, P43 at P47 habang walang SRP ang special rice.


Samantala, suportado rin ng DTI ang mungkahi ng Department of Agriculture (DA) na i-plastik na lang ang bigas.

Sabi ni Castelo, bagaman at dagdag gastos ito sa mga retailer, makakatulong naman ito para matiyak na malinis ang bigas.

Facebook Comments