Manila, Philippines – Naniniwala si Agriculture Secretary Manny Piñol na mayroon lang grupong nagpapalutang ng kakulangan ng supply ng bigas sa bansa.
Ayon kay Piñol, nais lang ng grupong ito na guluhin ang merkado at takutin ang mga mamimili para tumaas ang presyo ng bigas.
Pagtitiyak ng kalihim, hindi tataas ang presyo ng NFA rice dahil may Suggested Retail Price (SRP) na ito habang makakabili na rin sa merkado ng murang commercial rice.
Sabi pa ni Piñol, inaasahang may darating pang bigas na maaaring ibenta ng P30 kada kilo.
Facebook Comments