BANTAY BIGAS | Supply ng NFA rice sa ilang pamilihan, nililimitahan

32

Manila, Philippines – Aminado ang National Food Authority (NFA) na nililimitahan nila ang supply ng NFA rice sa ilang pamilihan.

Ayon kay NFA OIC-Administrator Tomas Escares – prayoridad nila ang mga bigasang bayan na nagbebenta ng NFA rice kaya kakaunti lang ang ibinibigay na supply sa mga retailer.

Nililimitahan din nila ang pagbibigay ng supply dahil bumababa ang presyo ng commercial rice matapos ipatupad ang Suggested Retail Price (SRP).

Muli ring tiniyak ng opisyal na sapat ang supply ng NFA rice sa bansa.

Facebook Comments