BANTAY BIGAS | Unlimited rice importation, may pahintulot na sa NFA Council

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng National Food Authority (NFA) Council ang unlimited rice importation.

Ito ay matapos lagdaan ng NFA Council ang guidelines nito.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – sakop nito ang lahat ng nais na mag-apply para sa import permits at gustong bumili ng bigas abroad.


Layunin aniya nito na mapababa ang presyo ng bigas.

Sa ilalim ng out quota importation, sinuman ay maari nang mag-angkat ng bigas basta mayroon silang financial, warehousing at retailing capacity.

Pero ani Piñol – mas maghihigpit sila ngayon sa pag-evaluate sa mga importer.

Umaasa ang kalihim na tataas ang bilang ng imported rice na papasok sa bansa sa nalalabing bahagi ng taon.

Facebook Comments