BANTAY-BORACAY | DENR, aminadong marami pa ring problemang kailangang tugunan sa Boracay

Aklan – Aminado ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may kaunting problema pang kinahaharap ang Boracay sa kabila ng matagumpay na reopening nito kahapon.

Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones – may bahagi pa ng kalsada sa isla ang hindi pa natatapos kaya medyo pahirapan ang pagbiyahe.

Pero nakikipag-ugnayan na raw ang Local Government Unit (LGU) ng Boracay sa DPWH para maayos ang problema.


Patuloy ding tinutugunan ng ahensya ang problema sa untreated waste water.

Inaalam na rin ng pamahalaan kung nakakonekta na sa sewer lines ang mga hotel at establisyimento sa Boracay para matiyak na hindi na didiretso ang dumi sa dagat.

Facebook Comments