Batangas – Kasunod ng pagbubukas sa publiko ng Boracay, sabay-sabay namang sisisid sa dapat ang nasa 80 volunteers divers sa Batangas.
Layun nito na ipanawagan ang pag-iingat sa kalikasan upang hindi maabuso katulad ng sikat na tourist destination na Boracay.
Ayon kay Jojo Gador, isa sa convenor ng Dirty Hands for Cleaner Ocean maglalatag ang mga divers ng malaking tarpulin sa ilalim ng dagat na may nakasulat na “We love our oceans! No to single-used plastics”.
Sa datus na nakalap mula sa International Coastal Clean-up noong nakaraang taon ng Dirty Hands for Cleaner Ocean kabilang ang mga single used plastic sa mga basurang umaabot sa mga karagatan.
Ito ay nagreresulta sa pagkasira sa tahanan ng isda at pagkamatay mula sa maliliit na isda, pawikan, dolphins at balyena matapos makakain ng basura.
Kung hindi aniya kikilos ang pamahalaan, ibat-ibang sektor at publiko hindi malayong mawala ang magagandang lugar sa bansa.
Panawagan ng grupo na magpasa ng batas at higpitan ang parusa sa paggamit ng single used plastic.
Mainam na ito nang sa ganun masiguro ang food security sa bansa para sa susunod na henerasyon.
Samantala kasabay ng pagsisid ng 80 divers maglalagay sila ng bahay ng isda sa karagatan na sa katagalan ay tutubuan ito ng corals na magsisilbing tirahan ng marine life.