Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Eduardo Año na mahigpit na i-monitor ang lahat ng mga island at beach resorts sa buong bansa.
Ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte para maiwasan ang pagsasara tulad ng nangyari sa Boracay Island.
Ayon kay Año, pinasusubaybayan na niya sa lahat ng regional offices ng ahensya ang mga island at beach resorts at pinagsusumite ang mga ito ng report ng mga listahan ng mga ordinansa na inisyu ng lalawigan, bayan at lungsod kaugnay sa pangangalaga sa kalikasan, easement regulation at maging sa pagtatayo ng gusali.
Aniya, umaasa siyang naging aral sa lahat ang anim na buwan na pagpapasara sa Boracay.
Facebook Comments