Manila, Philippines – Isinusulong na rin ng Administrasyong Duterte ang ‘green green green’ program.
Sa ilalim ng programa, bibigyan ng pinansyal na tulong ang mga lokal na pamahalaan upang makapagtayo at maisaayos ang kanilang mga forest park, botanical garden at iba pang mga katulad na lugar na nagsisilbing pasyalan ng kanilang mga residente.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno – maglalabas sila ng ₱2.5 billion bilang pondo nito sa Nobyembre.
Sinabi naman ni Julia Nebrija, project director ng green, green, green –napapanahon na ito lalo at mapanganib na ang polusyon sa hangin sa kalusugan ng mga Pilipinong naninirahan sa mga urban area gaya ng Metro Manila.
Para aniya masigurong magagamit ng wasto ang pondong ilalan ng DBM, mahigpit na makikipag-ugnayan ang kagawaran sa mga Local Government Units (LGUs) na makatatanggap ng pondo.
145 lungsod ang target na gawing benepisyaryo ng programa.