BANTAY KORAPSYON | DILG dinepensa ang pag-iisyu ng subpoena sa ilang LGUs

Manila, Philippines – Dumepensa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pag-iisyu ng subpoena ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa may 37 municipalidad at lungsod.

Ayon kay DILG Spokesperson, Assistant Secretary Jonathan Malaya, bahagi ito ng umiiral na kampanya na paigtinging ang kampanya laban sa korapsyon.

Kasunod ito ng mga natuklasang iregularidad sa paghawak ng o disbursement ng pondo at ilang matiwaling gawain sa ilang LGUs.


Ginamit na batayan dito ng DILG ang bagong Republic Act No. 10973 na nagbibigay kapangyarihan sa Chief of PNP, Director, Deputy Director ng CIDG imbestigahan ang mga sumbong ng korapsyon.

Sinabi pa ni Malaya na gumagana na ang ilang bahagi ng Bantay Korapsyon program ng gobyerno dahil aktibong nakikibahagi na ang mga lokal na mamamayan sa layunin ng gobyerno na gawing corrupt-free governance ang mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments