BANTAY MAYON | Phivolcs, nagsagawa ng panibagong survey sa hilagang bahagi ng Bulkang Mayon

Nagsagawa ngayon ng pagsusukat at pag-aaral ang precise leveling team ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa hilagang bahagi ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ayon kay PHIVOLCS resident Volcanologist Dr. Ed Laguerta, ito ay upang ma-monitor kung may panibagong source na umaakyat mula sa ilalim ng bulkan.

Maaalalang naitala ang ilang phreatic eruption at maliliit na lava fountaining events noong nakaraang buwan na tinitingnan ni Laguerta na kabilang pa sa materials ng nakaraang pag-aalburuto nito simula Enero hanggang Abril.


Nabatid na malalaman sa precise leveling kung nagkaroon ng pagbabago sa Tabaco City-Lidong, Sto. Domingo side ng bulkan.

Lumalabas kasi sa isinagawang pag-aaral na may seal o source ng deposit na pinagmumulan ng magma ng mayon sa southeast side habang titingnan naman ang passageway ng magma sa northern side.

Facebook Comments