BANTAY OFW | DOLE, bumuo na ng rapid reaction team para bantayan ang kalagayan ng mga OFW sa Middle East

Manila, Philippines – Bumuo na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng rapid reaction team para alamin kung may iba pang insidente ng pang-aabuso sa mga OFW sa Middle East.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, bibisitahin ng mga ito ang mga shelter ng Phillipine Overseas Labor Office para alamin ang sitwasyon ng mga OFW.

Babala naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwait na sakaling mayroon pang isang OFW na mamatay o abusuhin ay posibleng pauwiin ang lahat ng Pinoy mula sa naturang bansa.


Nilinaw din ng Pangulo na hindi niya nais makipag-alitan sa Kuwait pero dapat i-respeto nito maging ng iba pang Arab nations kung saan maraming Filipino ang karapatan ng mga OFW at tratuhin sa makataong paraan.

Facebook Comments