BANTAY-PASAHE | Crackdown laban sa mga overcharging UV express operator at driver, ipinag-utos na

Manila, Philippines – Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hahabulin nito ang mga UV express operator at drivers na sobrang maningil sa mga pasahero.

Ayon kay LTFRB Chairman, Atty. Martin Delgra III – ipinag-utos na niya ang crackdown sa mga overcharging na mga UV express operator at driver.

Nabatid na walong UV express associations ay humihirit ng ₱1.25 per kilometer provisional increase sa kanilang minimum fare.


Sakaling maaprubahan ng LTFRB ang hiling ng mga petitioner, ang maximum fare ay sasampa na sa ₱81.25.

Facebook Comments