BANTAY PAWIKAN | Halos 200 mga hatchling ng Pawikan, pinakawalan sa dagat ng Puerto Princesa City, Palawan

Palawan – Pinakawalan na ang halos 200 mga hatchling ng Pawikan na Olive
Ridley turtle sa Nagtabon beach sa Puerto Princesa City, Palawan alas-5
kahapon.

Enero 26 nang makita ng ‘Bantay Pawikan’ sa lugar ang nasa mahigit 100
itlog habang noong Enero 27 ay 99 na itlog naman ang kanilang natagpuan sa
dalampasigan ng Nagtabon beach.

Agad itong binantayan ng Conservation and Development Unit ng DENR-CENRO
hanggang sa mapisa kahapon.


Tuwang tuwa naman ang mga turista sa lugar na first time makakita ng mga
pawikang ibinalik sa karagatan.

Ang proyektong Bantay Pawikan ay sinimulan noong taong 2015 sa west coast
ng Puerto Princesa City, kung saan nasa 15,000 nang hatchlings ang
napakawalan.

<#m_542556589481179402_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments