BANTAY PRESYO | DILG, nais buhayin ang local price councils

Manila, Philippines – Bubuhayin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Units (LGUs) ang Local Price Coordinating Councils (LPCC) sa buong bansa upang i-monitor ang presyo ng pangunahing bilihin.

Iniutos ito ni DILG Secretary Eduardo Año kasunod ng mga ulat ng mga regional at field offices nito kaugnay ng sobrang pagtaas sa presyo ng bilihin sa ilang lalawigan.

Inatasan ng DILG ang Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang karampatang batas upang maprotektahan ang interes ng mga consumers.


Nais ni Año, na magpatupad ng regular na inspection ang LPCCs sa mga pribado at pampublikong pamilihan at tukuyin ang mga local traders na nagsasamantala sa pagtaas ng presyo.

Bibigyan din ng kapangyarihan ang mga barangay officials at non-government organizations (NGO) upang ma-monitor din nila ang abnormal na pagtaas ng presyo

Sa panig ng PNP, sila naman ang makikipag-ugnayan sa mga concerned agencies ng pamahalaan at LGUs at magiging aktibo sa pagpapatupad ng batas laban sa mga mapagsamatalang negosyante.

Facebook Comments