Nanawagan si Senator Bam Aquino sa pamahalaan na bantayang mabuti ang presyo ng mga bilihin sa mga lugar na hinagupit ng malakas na bagyong Ompong.
Ayon kay Aquino, bukod sa relief at rehabilitation efforts ay kailangang agapan ng gobyerno ang inaasahang pagtaas pa sa presyo ng bigas at pagkain dahil sa pananalasa ni Ompong.
Ipinaliwanag ni Aquino na maaring makaapekto ang katatapos na kalamidad sa suplay ng bilihin na posibleng humantong sa pagtaas ng presyo nito.
Diin pa ni Aquino, kahit may price freeze na ipapatupad sa mga lugar na isasailalim sa state of calamity ay dapat pa ring kumilos ang gobyerno para mapababa ang presyo ng bilihin.
Mainam din ayon kay Aquino na matiyak na sapat ang supply ng produktong pang-agrikultura sa iba’t-ibang bahagi ng bansa matapod ang bagyo.