BANTAY-SARADO | Mga three-termer Barangay Officials na ipinagbabawal na ng batas sa pagtakbo sa kahalintulad na puwesto, minomonitor ng DILG

Manila, Philippines – Binabantayan na ngayon ng Department of the Interior and Local Government ang mga three-termer Barangay Officials na ipinagbabawal na ng batas sa pagtakbo sa kahalintulad na puwesto.

Katunayan, ipinag-utos na ni DILG OIC-Secretary Eduardo Ano ang mga DILG Regional Offices na isumite ang mga pangalan ng mga incumbent punong barangays at sangguniang barangay members na nagsilbi na ng tatlong sunod na termino ng kanyang tungkulin.

Paliwanag pa ni Ano, ang pinagsamang listahan ng mga Barangay Officials na nasa ikatlong termino na sa kanilang posisyon ay isusumite sa Commission on Elections ngayong Marso para ipaskel sa mga lugar bago ang nakatakdang paghahain ng Certificates of Candidacy sa Abril 14 hanggang 20.


Ang naturang hakbang ng DILG ay alinsunod sa Local Government Code na nagsasabi na walang Local Elective Official ang magsisilbi pa ng higit sa tatlong sunod na termino sa mgkaparehong position.

Sa ngayon, apat na rehiyon na ang nagsumite ng listahan sa DILG National Barangay Operations Office.

Kabilang dito ang Region I, Region 4-B, Region 7, at Caraga Region.

Facebook Comments