Manila, Philippines – Kasunod ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo bunsod ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law
Masusing binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa ibat-ibang pamilihan.
Ayon kay Trade & Industry Secretary Ramon Lopez, sa ngayon ay wala pa naman silang nakikitang negosyante na nananamantala ng sitwasyon.
Sinabi pa ni Lopez na kada linggo ay umaabot sa mahigit 400 tindahan ang kanilang pinupuntahan at mino-monitor pero halos lahat naman ay sumusunod sa Suggested Retail Price (SRP).
Samantala nilinaw naman ni Secretary Lopez na hindi sakop ng kanilang pagbabantay ang mga sari-sari store.
Katwiran nito nakadepende ang paninda sa mga sari-sari store sa kanilang mga kinukuhanan o binibilan ng produkto.
Kasunod nito pinag-iisipan narin ng DTI na gumawa ng hakbang upang masunod ang SRP kahit na sa mga sari-sari store
Plano ng ahensya na humanap ng malalaking sari-sari store sa bawat probinsya at munisipalidad at pasasalihin ang mga ito sa DTI suking tindahan kung saan makakabili ng wholesale products na pasok sa SRP.