General Trias, Cavite – Nai-turn over na ng Eastern Samar Police Provincial Office sa Cavite-PNP ang suspek sa pagpatay sa mag-ina sa General, Trias noong December 11.
Matatandaang sumuko ang suspek na si Ruel Cabatingan matapos na magtago sa bahay ng kanyang mga kaanak sa Eastern Samar.
Bantay-sarado ng mga pulis si Cabatingan nang sunduin siya at isakay sa Air Asia flight z2 – 321 kaninang umaga.
Ipinauubaya naman na ng Cavite police sa korte sakaling kailanganin siyang ilipat sa ibang kulungan.
Naipaalam na rin sa padre de pamilya ng mga biktima ang pagdating ni Cabatingan sa Cavite-PNP.
Facebook Comments