Manila, Philippines – Mahigpit na tutukan ng PNP ang tatlong rehiyon sa
bansa na inaasahan nilang dadagsa ang mas maraming turista ngayong Holy
Week at summer vacation.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. John Bulalacao ang mga
rehiyong ito ay ang region 7, region 11 at region 4B.
Aniya sa mga rehiyong ito makikita ang malalaki at kilalang mga tourist
destination.
Naka-full alert na niya ang mga Regional Police Offices sa mga rehiyon ito,
ibig sabin nito hindi papayagang mag-leave ang mga PNP personnel para
bantayan ang mga tourist destination.
Maliban sa tatlong rehiyon ay nakaalerto rin ang buong hanay ng Philippine
National Police para bantayn ang lahat ng mga matataong lugar katulad ng
mga bus terminals, paliparan, mga malalaking simbahan, tourist destination
at vital installation.
Ito ay upang matiyak na magiging ligtas ang publiko na magbabakasyon ngayon
Holy Week at summer season.
Ang inilatag na mahigpit na seguridad ng PNP magsisimula ngayong Holy Week
at magtatagal hanggang katapusan ng buwan ng Hunyo.
<#m_3721103674907315011_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>