BANTAY SEGURIDAD | 4,000 pulis, ipapakalat ng NCRPO sa pista ng Itim na Nazareno

Manila, Philippines – Mahigit 4,000 pulis ang itatalaga ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa piyesta ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, kasado na ang seguridad na ipatutupad ng kapulisan para sa piyesta ng itim na Nazareno na dinudumog ng milyong mga deboto.

Aniya, wala silang natatanggap na banta sa seguridad pero mananatili silang nakaalerto.


Bukod sa deployment sa ground ay magtatalaga rin ng elite forces ang PNP na pupuwesto sa mga matataas na gusali para i-monitor ang galaw ng mga tao.

Samantala, sinabi ni albayalde na irerekomenda niya kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang pagsuspinde sa permit to carry firearms outside residence (PTCFOR) para sa seguridad sa piyesta ng Nazareno.

Facebook Comments