BANTAY SEGURIDAD | 5,000 pulis, ipakakalat sa Metro Manila sa panahon ng Semana Santa

Manila, Philippines – Ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) ang 5000 pulis sa Metro Manila sa panahon ng Semana Santa.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, upang matiyak na magiging mapayapa ang Holy Week itatalaga ang naturang mga pulis sa ‘areas of convergence’.

Partikular aniyang babantayan ng kanilang hanay ang mga pantalan, terminal, paliparan, mga mall at iba pang matataong lugar.


Tututok naman ang PNP Highway Patrol Group sa mga pangunahing kalsada sa bansa.

Maglalagay din aniya sila ng mga police assistance desk upang agad na makaresponde sa mga mangangailangan ng tulong.

Sa ngayon nanatili aniya payapa ang buong Metro Manila at wala silang namo-monitor na anumang banta sa terorismo.

Sinabi pa ng opisyal na asahan na ng publiko ang pagbibigay ng mas mahigpit na seguridad lalo’t limitado lang ang bakasyon ng mga pulis ngayong Semana Santa.

Facebook Comments