BANTAY SEGURIDAD | AFP, magde-deploy ng tauhan para sa pagdiriwang sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution bukas

Manila, Philippines – Magde-deploy ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng kanilang tauhan para magbantay sa mga sasali sa gagawing programa bukas may kaugnayan sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Col Emmanuel Garcia, tatlong Civil Disturbance Management, dalawang Explosive Ordnance Division (EOD), at dalawang K9 teams ang idedeploy nila sa People Power National Monument (PPNM) sa Quezon City para tumulong sa Philippine National Police sa pagbibigay ng seguridad.

May apat na ambu-medic teams rin ang nakastand-by para magbigay ng medical treatment.


Sinabi naman ni AFP Spokesperson Brigader General Bienvenido Datuin na 300 sundalo ang makikiisa sa traditional salubungan bukas.

Pagtiyak rin ni Joint Task Force -National Capital Region Commander, Brigadier General Alan Arrojado na tutulong silang maging mapayapa ang gaganaping anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Facebook Comments