Manila, Philippines – Hindi muna pagbabakasyunin ng Bureau of Jail
Management and Penology (BJMP) ang lahat ng jail personnel sa buong bansa
sa panahon ng Semana Santa.
Ayon kay BJMP spokesperson Jail Senior Inspector Xavier Solda, pagpatak ng
Marso a-25 hanggang Abril a-1 ,itataas na ng BJMP ang full alert status sa
481 jail facilities nito sa buong bansa.
Sa panahon ng mahal na araw, inaasahan na ang pagdagsa sa mga bilangguan ng
mga dalaw at mga kaaanak ng preso para makasama sila sa pag aalay ng
panalangin.
Bagamat walang binago sa visiting hours pero, paalala ni Sr. Inspector
Solda, na bawal pa ring tanggapin bilang dalaw ang isang menor edad.
Habang ginugunita ng bansa ang Semana Santa mananatili silang nakabantay sa
mga bilangguan laban sa anumang banta ng pagtakas ng mga bilanggo at iba
pang masamang balakin.