BANTAY SEGURIDAD | Bureau of Immigration, magdadagdag ng tauhan sa NAIA ngayong Semana Santa

Manila, Philippines – Magdadagdag ang Bureau of Immigration ng mga tauhan sa immigration counters sa NAIA ngayong Semana Santa.

Kaugnay ito na inaasahang pagdagsa ng malaking volume ng mga pasahero sa paliparan sa nalalapit na Mahal na Araw.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, inatasan na niya si BI Chief Personnel Officer Grifton Medina na gumawa ng listahan ng Immigration Officers na naka-deploy sa main office at subports para pansamantalang italaga sa NAIA ngayong Holy Week.


Layon nito na maiwasan ang mahabang pila sa Immigration counters sa NAIA na itinuturong dahilan ng pagka-antala ng flights ng mga pasahero.

Facebook Comments