BANTAY SEGURIDAD | EPD, umaasang magiging mapayapa at maayos ang eleksyon sa silangang bahagi ng Metro Manila

Manila, Philippines – Humihingi ng pag-intindi at kooperasyon ang Eastern Police District sa publiko kasunod ng pagpapatupad ng mahigpit na security measures kaugnay ng nalalapit na Brgy at SK Kabataan elections sa Mayo.

Ayon kay EPD District Director PCSupt. Reynaldo Biay ngayong umiiral na ang election period paiigtingin nila ang pagpapatupad ng checkpoint sa ibat ibang strategic areas sa Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

Ire-reshuffle din ni Biay ang mga pulis na naka assign sa iba’t ibang barangay sa nabanggit na mga lalawigag upang maiwasan ang familiarization sa mga kakandidato sa ibat ibang posisyon.


Tinitiyak din nitong maipatutupad ang mga election law tulad ng pagbabawal sa mga pulis, sundalo, at provincial guards na magsilbing bodyguard o security guard ng nga kandidato.

Magsasagawa rin ng surveillance ang EPD intelligence unit sa mga grupo o indibidwal na nagbabalak manggulo, mamili o mamuwersa ng boto, at magsagawa ng terorismo.

Samantala hinimok ni Biay ng publiko na agad i-report sa pulis ang mga kahinahinalang indibidwal maging mga naiiwanang kagamitan sa lansangan upang matiyak na ligtas na mairaraos ang barangay elections.

Facebook Comments