Manila, Philippines – Halos 170,000 na mga pulis ang ipapakalat ng
Philippine National Police sa buong bansa para magbantay sa Semana Santa.
Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, idedeploy ang mga ito sa mga
pantalan, paliparan, bus terminal, mga mall, mga tourist destination, mga
simbahan at sa iba pang matataong lugar.
Aniya, maglalagay rin sila ng mga police assistance desk.
Maliban pa aniya rito ang pinaigting na pagpapatrolya sa mga komunidad para
maiwasan ang mga insidente ng nakawan.
Paalala naman ni Albayalde sa publiko na maging alerto sa lahat ng oras
para hindi mabiktima ng mga masasamang loob.
Sakaling aniyang may emergency, maaaring magtext sa 2286 o 2920 o tumawag
sa 911.
Facebook Comments