Manila, Philippines – Inihayag na ng Philippine National Police (PNP) ang mga election watch list areas sa bansa.
Ayon kay PNP spokesman, Chief Supt. John Bulalacao, nasa 5,744 mga barangay ang itinututring na nasa talaan ng directorate for intelligence na elections watch list.
Kabilang sa mahigpit na tututukan ng PNP sa pakikipagtulungan ng Armed Forces of the Philippines ay ang mahigit na 2 libo Barangay sa region 1, mahigit na tatlong libo at 400 naman sa region 2, at 271 sa region 3.
Habang ang mga nasa category 1 o mataas ang banta o inaasahang maraming magaganap na gulo para sa Barangay election ay nangunguna ang region 5 o Bicol region na may 1,258 barangay, sinundan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM na may mahigit na walong daang barangay.
Habag nasa 37 barangay naman sa region 12 at nasa 14 na Barangay sa region 1.
Sa National Capital Region naman umaabot sa 53 ang nasa talaan ng watch list areas ng PNP para sa barangay election.