BANTAY SEGURIDAD | Manila Police District, mas pinaigting ang seguridad ngayong holiday season

Manila, Philippines – Labing isang police station ng MPD pinaigting ang seguridad ngayong pasko at pagsalubong sa bagong taon.

Manila, Philippines – Habang papalapit ang Kapaskuhan, lalong pinaigting ng Manila Police District ang mga police check points at patrolling sa mga iba’t ibang lugar partikular na ang papasok sa lungsod Manila.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, ang paghihigpit at pagbibigay ng siguridad sa 11 police station upang sugpuin ang mga masasamang gawain partikular ang mga holdaper, mandurukot, snatcher at iba pang modus operation ng mga kriminal upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.


Inatasan din ni MPD Dist. Dir. C/Supt Joel Coronel ang lahat ng Station Commander at PCP Commander na tiyaking ligtas ang mga lugar na madalas puntahan ng mga taongbayan tulad ng pamilihan, simbahan, malls, bus terminal, pantalan at iba pa.

Facebook Comments