BANTAY SEGURIDAD | Mas maigting na intelligence at counter measures, ikinasa kasunod ng report na pagpasok umano ng 40 dayuhang terorista sa bansa

Manila, Philippines – Patuloy pang kinukumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang impormasyong natanggap ng Western Mindanao Command (Wesmincom) na apatnapung (40) dayuhang terrorista ang nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng southern back door.

Sa interview ng RMN Manila kay AFP Spokesman Brig. Gen. Bienvenido Datuin, sinabi niyang hindi nila binabalewa ang report na ito at mas mabuting naka-alerto at maingat.

Kasunod na rin ito ng babala na posibleng naghahanda na naman para sa panibagong pag-atake ang mga teroristang nasa likod ng Marawi seige.


At para hindi aniya, maulit at mauwi sa Marawi siege part 2 ang ilang siyudad sa Mindanao ay nagsasagawa sila ng ibat-ibang intelligence at counter measures.

Sa ngayon, tinitignan ng mga otoridad ang posibleng koneksyon ng 40 foreign fighters sa ISIS leader na si Fehmi Lassqoued na nahuli kamakailan sa Maynila kasama ang kanyang girlfriend na taga-Maguindanao.

Si Lassqoued na recruiter ng Isis ay ilang ulit nang naglabas-pasok sa bansa gamit ang pekeng Tunisian passport, bago ito naaresto.

Facebook Comments