BANTAY SEGURIDAD | Mga eroplanong manggagaling sa Middle East, dadaan sa mas mahigpit na cargo screening

Amerika – Dadaan na sa mas mahigpit na cargo screening sa Estados Unidos ang mga eroplanong manggagaling sa Middle East.

Ayon sa US Transportation Security Administration, bahagi ito ng pagpapaigting ng seguridad sa mga paliparan mula sa posibleng banta ng terorismo.

Kabilang sa mga tinukoy na Carrier at Airport ang Egypt Air, Saudia, Qatar Airways at Etihad Airways.


Bago makalapag sa Amerika, kinakailangan munang magsumite ng Advance Air Cargo Data sa US Authority ang anumang eroplano mula Middle East.

Facebook Comments