Manila, Philippines – Dahil sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga pasahero
sa ibat ibang paliparan sa bansa ngayong nalalapit na panahon ng Semana
Santa, naghahanda na rin ang mga paliparang pinatatakbo ng Civil Aviation
Authority of the Philippines o CAAP para maayudahan ang publiko.
Sinabi ni CAAP spokesman Eric Apolonio, inatasan na ang mga area managers
ng mga paliparan para paghandaan ang inaasahang sampung porsyentong pagtaas
ng mga pasahero.
Nagkakaron na rin anya ng mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng mga tauhan
ng Office of Transportation Security at ng PNP Aviation Security Group para
mapangalagaan ang loob at labas ng mga paliparan.
Kaugnay nito, ngayon pa lamang ay nagpaalala ang CAAP sa mga byahero na
“mag-travel light” lang para ma-enjoy ang kanilang biyahe.
Ibigsabihin, tiyakin na yung mahahalagang gamit lamang ang dapat dalhin
kung hindi naman magtatagal sa kanilang pupuntahang destinasyon.