BANTAY-SEGURIDAD | NCRPO, umapela sa publiko sa ligtas na pagsalubong ng Bagong Taon

Manila, Philippines – Umapela si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde sa publiko na gawing­ ligtas at mapayapa ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Pakiusap din ni Albayalde sa mga magulang na bantayan ang ka­nilang mga anak na posibleng sumalisi sa pagbili ng mga paputok.

Bukod dito, mariing bina­laan ni Albayalde ang lahat ng kapulisan, na huwag magpapaputok sa pagsalubong ng Bagong Taon, dahil kakasuhan ito ng administratibo na posibleng pagkasibak sa serbisyo.


Naglabas naman kahapon ang pamunuan ng Southern Police District (SPD) ng talaan para sa mga lugar na pwedeng magpaputok.

Wala namang itinalagang firecrackers zone sa mga lungsod ng Makati at Parañaque habang ipinatutupad ang total ban fire-cracker sa Las Piñas, Muntinlupa, Taguig at bayan ng Pateros.

Facebook Comments