Albay, Philippines – Tiniyak ng Albay provincial government ang walang maitatalang casualty sa mga libu-libong residente ng lalawigan kahit patuloy na binabantayan ang aktibidad ng bulkang Mayon.
Iginiit ng Public Safety and Emergency Management Office ng Albay, mataas pa rin ang posibilidad na may pagpapalabas pa rin ng magma mula sa bulkan.
Humiling na rin sila sa national government ng tulong para sa pagpapatayo ng temporary learning shelters para naman sa mga estudyanteng lumikas na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Sa ngayon, bukas pa rin sa mga turista na masilayan ang bulkan maliban na lamang ang pagpasok sa six at seven kilometer permanent danger zone.
Facebook Comments